Monday, June 29, 2009

Happiness

Today, I again find myself deluded with thoughts. And I like it. I've talked to certain people about my idea of happiness this past days. And I guess it's about time I immortalize it with technology.

Happiness is, well, just, a state of mind. When I think about it, everything is just a piece of that neuron synapse that comes running from point to point inside our brains. The thing is, love, hope, anger and other feelings manifest through concrete three-dimensional entities.

So almost everything is a matter of association or picking the implementation or physical representation. Control over this mechanism absolutely ensures emotional and spiritual contentment. Of course, concepts like hunger and thirst characterize through involuntary physical reactions, hence we have no absolute control.

If I say that the physical world has a one to one correspondence to the thoughts in our heads, we have heck a lot of stuff swimming on those cerebrums. On the other hand, if the dimensions do not fit perfectly in size, then we are certain that someone have given much power to that of the greater.

By the oh-so-popular concept of free will, I can say that humans are blessed with the power of choice. It is really amazing how God has given us the whole earth, no, the whole universe to play with. We have been given the chance to associate our thoughts to virtually almost anything we want. And what do we do? We let other people decide for us. We let culture spoil the very core of what have made us humans by being passive to ideas and flashy sounds of false happiness.

Do we really pay attention to the choices we have in life or we just go along the tides? Do we really exercise the gift that we can control our own concept of happiness, sadness, success or contentment? Why is it that some of us deliberately deliver themselves to acts that cause sadness to others?

We can never say we never had a choice but I guess we can always say we are not intelligent enough.

Friday, June 26, 2009

Sa Mata ng Iba

Masaya ako dahil nakakasama ko araw-araw ang mga pinakamagagaling na tao sa Pinas sa field ko. Pero dahil nga ganoon, napaka-normal lang naman pala nila.

Madalas akong makatanggap ng pagkilala na mas mababa sa inaasahang pakikitungo sa mga taong nasa posisyon ko ngayon. Malaking hadlang talaga ang pagiging itsurang mas bata sa tunay kong edad, naks! Sa totoo lang hindi ko naman binibigyan ng masyadong isip ang status ko, dahil sabi nga ni Sir Phil sa akin, "Bakit, sino ka ba?".

Sino nga ba ako? Sampid lang naman akong sinwerteng makapasok sa faculty eh. Sinwerte lang din na maganda ang undergrad thesis ko? (Joke) Sinwerte lang din ako at nakapag-aral ako sa South Korea. Sinwerte lang din ako na magaganda ang marka ko sa mga subjects ko sa undergrad. May magic talaga, may himala. Amen.

Mediocrity

It's been two weeks since the classes have started. Nasa dalawang magkabaliktad na mundo ako ng sabay. Nakikisabay sa pag-ikot ng bolang hindi ko kilala. Ng larong hindi ko pa alam laruin.

Bago ako pumasok ng Diliman para magturo, noong malayo pa sa pakiramdam ko ang posibilidad na matanggap ako, napakarami kong pangarap. Mga pangarap na halos hindi ko na maalala ngayon. Ngayon alam ko na na ang mga pangarap ay gawa lang ng kalungkutan. Hatid lang ng hindi pagiging kuntento sa kung ano ang mayroon. Na-gets ko na kung bakit hindi tayo umuunlad na mga Pinoy in general, masyado tayong kuntento.

Naalala ko noon sa Baguio nang mga panahong mag-isa ako sa kwarto, mag-isa sa paglalakad sa Session Road, mag-isang manuod ng sine at mag-isang lumuluha. Sinabi ko sa sarili ko na lahat ng kalungkutang nararamdaman ko ay mapapalitan din ng kasiyahan, pasasaan nga ba naman at mag-uumaga rin. Nasanay akong huwag umasa sa iba. Natuto akong kumapit sa Dios ng buong-buo dahil alam ko na sa Kaniya nanggagaling ang lahat.

May mga panahong nagpapanata ako sa kapilya ng gabi. Alas diyes ata iyon kasabay nila Fernyl. Tatanggalin ko ang sapatos ko at magpapatirapa sa tribuna dahil sabi ni Mama ay lubos daw ang espiritu doon. Hindi siya nagkamali. Bawat patak ng luha ko hiniling ko sa Dios ang trabahong ito at ang magandang buhay para sa aming buong pamilya. Bawat hikbi ninais kong nawa'y hindi ako magkamali sa mga desisyon ko sa buhay. Bawat hampas ng palad sa dibdib hinandog ko ang buong sarili ko sa Dios, "Sa Iyo po ako", ang sabi ko. Hari nawa.

Malaki talaga ang nagagawa ng pag-iisa. Kaya matatalino ang mga ermitanyo dahil may pagkakataon silang tumingin sa mundo mula sa labas. Parang iyong sense ng Incompleteness Theorem. Unless you get out of the system, you will never ever understand everything. As if nothing makes sense. Kaya takot akong makisama sa ibang tao at malibang sa kasiyahang dala ng mundo. Iyon bang ngiti na naidudulot ng mga simpleng bagay na nagpapababa ng standards natin ng kasiyahan? Mangmang mang maituring, masaya pa rin.

At oo, mangmang ako. Naghahanap na ako ng pagkalinga ng ibang tao. Nagnanais na akong magkaroon ng taong mamahalin at magmamahal din sa akin unconditionally. Pero hindi ganoon kadali ang buhay at siempre lalo naman ang pag-ibig. Mahirap makita lalo na kung hindi naman naghahanap. Kung makakita man, hindi ka naman niya hinahanap. At kung hinahanap ka man niya, hindi naman kayo pareho ng paraan. Kaya nga sabi ko, "A waste of precious time".

Mayabang kasi ako kaya ang tingin kos a bawat panahon ko ay precious o mahalaga. Bawat tambay ko alam ko na somewhere sa mundo may nagagawang bago. May namamatay na mga tao sa gutom. May pinapanganap na mayaman. May nililibing pero hindi namamatay. At may buhay na tila naman patay. Tama, ang buhay natin ay isang malaking flowchart na puro diamond, puro descisions. Ang hindi nga lang masaya, higit pa sa dalawa ang puwede nating piliin. Mamimili lang ako kung gusto kong mabuhay at mamatay ng kagaya ng isang normal na Pilipinong nag-aral, nagtrabaho, nag-asawa, nagka-anak, tumatanda at namatay. O pwede akong maging isang taong importante. Kung ano man ang ibig sabihin noon, sa tingin ko ay sa edukasyon.

People's affirmations do not mean anything to me. I have my own standards. Unfortunately, this past months, it is lower than ever. And I pray that it will not go on like this... forever.

Saturday, June 20, 2009

Sigaw ng Saklolo

Hindi lahat ng tao nakakakain ng masarap. Hindi lahat ng Pilipino may sariling computer o may maayos na edukasyon. Sa katotohan, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng "maayos". Sa kahabaan ng Katipunan na halos araw-araw kong dinaraanan, pinapatay ako ng class struggles.

Nawawalan na ako. Dios ko po ibalik niyo ako sa Baguio.

Sa Mundong Nagiba

Napakatagal ng panahon ng huli akong magsulat. Magisip ng makata. Tumigil at magmasid. Many things have changed many people have come and go. I guess nobody stays.

I think reality's finally eating me whole. I've lost my touch. I forgot to cry.

Mabuti pa ang isa sa aquarium na malapit sa akin at naghihintay lang ng pagkain. Natakot ako dati na paglabas ko sa tunay na mundo kakainin rin ako ng mga nakakatakot na bagay na kinamumuhian ko. Nauubos na rin ang naipon kong intellectual na lakas sa Korea. Nawawala na ang matinding alab ng nasyonalismo sa puso ko. Nakalimutan ko ng mag-isip.

Nagbago na ang mundo ko. Nagbago na naman ang mga tao sa palikid ko. Kailan kaya ako titigil maglakbay? Bakit ako nagiging pasibo?