It's been quite a while, I guess. Looking back, things have changed drastically just over the past year. I may not be the best on what I do but I am happy being able to teach and influence the brightest minds in the country.
I know I am not perfect. I am not even teacher or professor material with all my "wala salugar na kalokohan", but this is who I am.
Hindi ako magiging kasing yaman ng mga ka-batch ko o kaibigan kong nagtratrabaho sa labas ng academe. Hindi ako magiging kasing sikat ng mga tao sa telebisyon. Hindi ako magkakaruon ng sobrang gandang asawang mabait, mapang-unawa at sobrang talino. Hindi ako ang pinakamatalinong tao at lalong hindi ako mas matalino sa mga tinuturuan ako. Nagkataon lang na nauna ako sa kanila. Pero hindi ang mga ito ang sukatan ko ng tagumpay o ng kaligayahan.
Salat man ako sa pera puno naman ako sa pagmamahal sa ginagawa ko. Wala man akong maipagmamalaking kagandahang lalaki pero may mga kaibigan akong patuloy na nagmamahal sa akin maputulan man ako ng ulo. Mamahalin ko kung sino man ang ibigay sa akin ng Dios na makakasama ko habang buhay maging sino o ano man siya. Sisikapin kong maabot ang mga pangarap ko kahit na mamamatay din naman tayong lahat sa huli.
Hindi ako nagtuturo para sumikat o para ipakita kong mas mataas ako sa iba kundi dito lang ako masaya. Gusto kong mag-research, maging doctor hindi dahil mas mataas na uri ako ng tao kung nagkataon kundi gusto kong may maibigay sa mundo, sa sarili kong paraan.
Para sa babaeng hindi ko pa nakikita o nakita ko na pero hindi ko lang pinapansin, maghintay ka lang dahil sa ngayon, masaya pa ako. Puwede ka namang ngumiti kung gusto mo at sabay tayong tatakbo.
Saturday, March 13, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)