Friday, November 30, 2007

Alam nio po ba?

(1) wala tayong disiplina
(2) napagiiwanan tau ng ibang bansa.
(3) hindi lahat ng tao naghihirap
(4) ang tanga ni Trillanes
(5) wala ng pag-asa magabroad na lahat
(6) madaling magasgasan ang makikinis na bagay. e.g psp
(7) matatalino tlga taung mga pinoy compared sa IBANG asian races. (sori ethnocentric ako)
(8) walang kinalaman ang katalinuhan sa pagunald ng bansa
(9) ang pagunlad ng bansa nasa unity, kusang-loob at sakripisyo
(10) wala taung pakialam kung nakakakita tau ng isang taong gingwan ng msama. pero malakas taung magrekalmo kung ginwan tayo ng.. msama.
(11) walang takot ang kriminal kasi bineybeybi natin
(12) imbes na sumaway sa mga law-offenders.. gagayahin pa kasi meron taung, "kung sila nga eh"
(13) HINDI GANITO ANG PINAS DATI!
(14) major sabdyeks sa skul lahat para maging maayos tayong slaves ng ibang lahi
(15) wala taung matinong curriculum para ISIKSIK sa utak ng kabataan mging PATRIOTIC

KWENTO TAYM:

patawid ako sa kalsada pero red light. wala namang sasakyan. malapit kasi un sa isang middle school na.. school?.. hhe. tumawid lang basta ung isang batang lalaki. sinigawan siya nung isang lalaki na nasa early 30s niya. pinagalitan niya. todo bow ung bata hanggang tuhod.

pati ung 1 time na may nagtapon ng basura subrang pinandirihan siya ng lahat ng taong nakakita.

TANONG: may iniisnatchan sa harap mo sasabihin mo? may nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar gagayahin o sasawayin? MAGSABIHAN naman, nakakalimot din tau kung ano ang tama at mali.

CONCLUSION: very uncivilized tayo. nakakahiya. lahat ng puedeng pagsulatan susulatan e.g. pader. makasarili tau kasi wala taung pakialam sa ibang bagay na hindi natin kadugo o kaibigan.

konting sakripisyo lang sana. konting pagtanggi sa sarili para sa iba. para sa kapakanan ng nakararami.

NAKAKAINGGIT, ang ayos ng korea, wala naman silang resources. bakit may samsung, hyundai, lg, lotte tayo wala? sa totoo lang magaling tayo sa business, innovatice ba, ang problema, pagmagtatayo ng business kakainin ka ng BIR, ng Gobyerno. bale, sinasabi nila, wala kang choice kundi mangupahan sa ibang bansa, mag-DH, mag-NURSE, mag-FACTORY WORKER at kami nlang politicians matitira sa pinas para magpatayan.

NAKAKASAWANG tumingala sa ibang bansa, nakakapagod sumunod! bakit hindi ba tau puedeng maging US? maging JAPAN? SINGAPORE? o kung ano pa?

MAMAMATAY na lang ba taung ganito ibibgay natin sa mga anak o apo natin? kaibigan, ano ba naman ung sabihin mo sa anak mo na ibulsa ang basura kung walang pagtatapunan. maging ROLE model sa klase na hindi gumgwa ng mga bagay na gngwa natin palagi. ulit-ulitin lang. paglalabas makakalimutan nga naman kasi kasama hindi ganun. e PANO kung lahat tayo GANUN? EDI ANG SAYA!

IDEALISTIC masyado ang idea?? LOOOL! eneweiz, hindi ako tanga na magpapabaril sa luneta para lang mapansin.

PERO please remember this, sa lahat ng tao na lumabas ng bansa alam ito (general idea LANG sa atin), MAID-RACE tayo, TANGA, MANDARAYA, nakatira sa isang bansa na walang identity (kapit sa matatag),insekto,kahihiyan sa ASIAN race.

HINDI nga ata tau marunong mabuhay sa sarili natin. Bakit ang China, Japan, Korea. STRUGGLING sila sa ENGLISH ngaun! ang maling isipan ntin nmana ang GAGALING natin! TANGA TALAGA! ibig sabihin nabuhay sila ng walang tulong ng STATES.

SASABIHIN nio, language lang naman ang english wala namn knilaman sa pagkapit. yun na nga un eh!

GISING!! PARE-PAREHO TAUNG KUMAKAIN NG PAGKAIN SA EARTH! Pinoy magaling ka! wag mong sasabihin na kaya hindi mo gagawin kasi hindi mo kaya at nagawa nila un kasi mas magaling sila!

-wdl

SORI

Friday, September 28, 2007

The Laws Of Science and God

I just thought that what if the fundamental laws of science, which were derived from nature by humans, actually restricts us from seeing the true nature? Thus, these laws actually controls the nature by controlling how we humans perceive it.

Halimbawa, the law of gravity. Hindi kaya dahil we think that there is a law of gravity kaya hindi tayo makalipad? Newtons' Laws, hindi kaya dahil sinabi ng isang tao na may inertia kaya talaga nagkaruon ng inertia sa isip natin?

By saying this, isn't it that we humans have power over any other things? We can choose to breath under water if we choose to or destroy nature as we are doing. All we have to do is choose.

But yet again here comes the question of who gave us the power to choose and to govern over these things? It is then that we realize the limitations of our powers. We can't control what our five senses cannot perceive. And as we seek for more power we create theories and laws for the things we really don't understand then we'll say, "Rejoice! For us humans are the most intelligent beings".

You see, we humans cannot comprehend things which are infinite in nature. And thus these laws we created are tools to "discretefy" such. And then we'll say that these "discreted" ideas from nature which we call "facts" are the truth. The effect, we miss the things in between.

Because of this, some people do not believe in God. They depend to much on how they understand the world. But the world itself is an infinite entity having infinitely many infinitely structured things. We are like 7-year old boys fighting for something we think is true but is really not. Our puny minds can never understand anything perfectly but yet we boast that we know all.

One evidence that we have an incredible love over discrete things is this:
Kapag pagpipiliin ka sa dalawang trabaho anong pipiliin mo:
(1)bilangin lahat ng tao; or
(2)bilangin lahat ng points sa line na y = x.
And we'll all answer in shouting unison, "1!".

Now, let me give you an example of a simple law that almost all of us are familiar with (also from the previous example) , the line y = x. We say that this line passing through the origin and having a slope of 1 is actually infinitely straight. Firstly, we know that infinity exists but we box infinity on how understand it. What if the real infinity is not actually the infinity that we think? Secondly and lastly, we restrict the pitiful line to just be straight. What if somewhere this line decides to turn right and proves the whole science wrong?

Sometimes we cry over something we know we shouldn't be. Nakakalampas tayo sa isang problema na parang kamatayan nalang ang takas. Ngumingiti tayo kahit nasasaktan at umiibig kahit bigo naman. Palaging may bagong araw para magsimula. For these things science explains it in a way that we can say "Ahh!" but God shows it in a way that we can say "Thank you".

A Filipino Story: Rage Against Our Own Demons

(written September 14,2007)

My stay here in South Korea for three months now has given me a lot of opportunity to talk to different people, and listen to their stories. One of those stories have brought light upon me on how we Filipinos drive our own faith.

Meron isang matandang koreanang propesora dito kung saan ako nagaaral. Meron siyang Ph.D. (Doctor of Philosophy) na title sa Sociology. Kuwento niya, way back 70's Korea was very very very poor and their government was realizing ideas on how to improve their economy. One solution is, magpadala sa Pilipinas ng mga mag-aaral na Koreans.

Bakit? Sabi niya, dati ng mga panahong un isang "living legend" ang Pilipinas. Isang progresibong bansa na isa sa mga nangunguna sa buong mundo. Ang nakakataba ng puso sabi niya, pumunta sila sa UP Diliman para pag-aralan to know "how the Filipinos do it?", and then apply nila sa Korea. Sabi niya nung panahon na iyon, inggit na inggit daw siya sa mga kaklase niya sa UPD dahil mayayaman sila at nakakakain ng masasarap na pagkain. "The Philippines was willing to help our poor country", she added.

Tears started to fall, sa akin at sa kanya. Imagine how the Philippines was. All the glory, all the triumph that were. By that time, it made me even prouder that I am a Filipino, sa puso at diwa. And then, she finally asked, "What happened?", and everything shattered away like a breaking mirror. Seeing how weirdly my face reacted, she changed the topic, "So how's your korean life?", she muttered.

In the Philippines, I thought that the world is suffering the same problems and crises our dear country is having. And wasted 19 years of my life watching people kill each other, destroy nature and disobey the law in every imaginable way. Then there was this chance to see another country, another culture. Sabi ko, "Demmet! and I thought that all of humankind is suffering".
Sabi nila Pinoy daw flexible kaya kayang-kaya nating mag survive sa kahit anong bansa. Tama! Ang galing, kasi wala namang Pinoy na balasubas sa ibang bansa eh, majority. Kung hindi puedeng tumawid hindi naman tatawid! Kung hindi puede magtapon hindi naman magtatapon! Kung dapat pumila, pumipila! Ang galing natin noh? Ang problema, bakit sa atin hindi natin magawa? Nasan ang disiplina?

Sa MRT, kwento sakin ng isang kaibigan ko, sabi daw ng isang mama, "Gulangan lang yan eh, kung hindi ka magulang hindi ka makakasakay", pagkatapos niyang isiksik ung halimaw niyang katawan sa tren. Isipin nio.. kapag halimbawa pumunta siya sa America at sumakay ng tren, sasabihin ba niya yun? HINDI! Bakit? kasi nahihiya siya, kasi alam niyang mali isiksik ang sarili at hindi isipin ung ibang tao. So, ang punto ay, walang hiya ang Pilipino sa kapwa niya Pilipino. Magaling lang tayo sa pag-please ng Iba, mga ibang tao na wala namang nagawa sa ating bansa.
And you know what's funny? We're a Christian country. And not just any Christian country, but the first in Asia, sabi nga nila.

Ayaw niyo ba na kapag umuuwi kayo hindi kayo natatakot mag txt? Kapag naka-mini skirt hindi takot kung mararape? Kapag iniwan ang bahay walang magnanakaw? kapag may laptop na dala hindi tatambangan? For me its a matter of discipline. Wag tayo magtapon kung saan-saan. Huwag mag-angkas o magbaba kung saan gusto.

And you will say, pano un? Kung hindi namin gagawin un talo kami! Kasalanan ng gobyerno! Tama na mali eh. The government's really not doing its job to provide its citizens the protection and love we deserve. Simpleng SSS at GSIS na nga lang eh. Simpleng pakain o simpleng pabahay kinukurakot pa. Lalapit ka sa pulis 10,000 yrs bago maresolbahan. Justice is money, if you dont have much, you wouldn't even have the least.

So, its a loop, naghihintayan tau, sa comsci we call that DEADLOCK. One way to resolve a deadlock is to make one process "stay back" for the other to continue. Else, restart.
So either the government or the citizens will initiate the change OR we all go back to the stone age.

- WDL

P.S.
I just realized that I might be saying this dahil nakapag-aral ako, nakakakain ako ng masarap at hindi nagugutom at the very least. Meron akong tirahan, may kumot at may electric fan. Hindi kaya ng masa ang magbago sa sarili niya dahil ang masa ay mahirap at puno ng problema, bakit pa nila idadagdag kung paano baguhin ang bansa. This is a job for us. Sa mga nakakabasa nito, meron taung pang-internet, meron taung pang-DotA, meron tayong pang-pamasahe. Higit sa lahat, marunong tayong magbasa.

We can help our country just by doing or not doing simple things. Ayokong magising isang araw at wala tayong choice kundi sumunod sa mga ibang lahi kasi nabili nila ung Pilipinas. O kaya naman mangibang-bansa para lang hindi maging Filipino. We should be thankful that we have a country kung saan kinuhanan natin ng hangin nung unang beses tayong huminga. Ayoko sa ibang bansa, kasi meron akong bansa. Ayoko sa kultura nila kasi meron naman tayo. I'm writing this for the hopes that my children will live their lives super proud of being a Filipino, not just because of their hospitality, but specially by their intellect, skills and culture that the world is ignoring now.

Superiority?

(pinost ko po sa Bobong Pinoy - 6/22/2007)

Mga Kabobo,

Ito po ang unang beses kong magpopost dito, sana po ay ayos lang. Ako si Wilmarc Lopez ng UP Baguio at kasalukuyang exhange student sa South Korea ng Computer Science. Ako po ay 20 yrs old sa Setyembre. Gusto ko lang po kasi ilabas yung mga nasa utak ko, baka po kasi sumabog.

Nung una sa tingin ko ang mga Koreano ay masusungit, itsura lang pala nila. Nabilib ako sa ganda at ayos ng lugar, walang scuater kahit na 15 million mahigit ang tao sa Seoul, Seoul lang po yun. Puno ng nagtataasang apartments ang mga resedential areas kung saan karamihan ng mga tao ay doon nakatira. Bihira ang magkaruon ng lupa na may iisang bahay na nakatirik (sa siyudad). Kahit na sampung taon ka nang nakatayo sa gilid ng kalye, naghihintay para tumawid, ay hindi parin puede hanggang hindi pa green ang ilaw ng tao sa poste. Bihira ang nakawan. As in bihira to the highest level ika nga.

Propesor kong koreano ang sumundo sakin sa Incheon airport kaya nagkaruon kami ng pagkakataon para makapagpalitan ng palagay. Napagusapan namin ang tumataas na bilang ng Koreano na pumupunta sa ibang bansa, lalo na sa Pinas, para lang matutong mag-english. Para sa kaniya, "shit" daw iyon. Bakit? Dahil kahit saan naman daw mag-aral ng english kung hindi rin naman gagamitin palagi ay ganun at ganun din. Totoo naman sa tingin ko. Pinatotohanan ko pa ito sa pagsabi na sa Baguio ay nagkukumpol-kumpol lang ang mga Koreano, naglalaro ng golf araw-araw at may sariling mundo. Paano nga naman sila matututo.

Nasabi din niya na nung 70's ang dating presidente nila ay nagwika na, (trandslated na lang po) "Tignan ninyo ang Pilipinas! Sana ay maging katulad tayo ng Pilipinas". Sa tono pa ng pagsasalita ng propesor, inggit na inggit talaga ang dating presidente. Nagulat ako dahil hindi ko alam na ganun pala dati, akalain niyo!

Nung nilibre ako ng dalawa ko pang ibang propesor ng noodles na may yelo at halo-halong gulay na hindi ko maintindihan ang lasa, napasok din ang usapan tungkol diyan. Papaano naman kasi eh medyo natatamaan ang pagiging "nationalistic" ko sa mga sinabi nila (nakalimutan ko na kung ano) kaya nasabi ko na lang na magagaling ang mga Pinoy, matatalino at may disiplina, ang problema ay sa Politika. Pero Pinoy din ang nasa Politika kaya una palang ay nakakitaan ko na ng butas yung sinabi ko, kaya sabi ko na lang nasa dugo nila (pero hindi ko nilahat). Alam kong may maganda at pangit na resulta yung sinabi ko kaya, "churi po". Siguro mahuhulaan niyo na kung anong sinagot nila, opo, sabi nila, (translated po ulit) "Ganyan din ang bansa namin dati. Madumi ang politika, garapalan, pero nagbago lahat alang-alang sa pagkakaisa".

Nung isang beses na sumamba ako dito, sapagkat ako po ay isang Iglesia ni Cristo, ay may nakita akong Koreano na agad namang kumausap sa akin. Mukha daw akong istudyante sabi niya (na sadyang kataka-taka dito dahil karamihan ay mga factory workers). "Ye", sabi ko bilang pagsang-ayon at sabay sabing IT ang pinag-aaralan ko. Aba eh binanatan ako ng, (translated na po, hirap kasi english eh) "Alam mo, ang teknolohiya dito ay malayo sa kung ano ang meron sa Pinas kaya dapat kang magsikap para hindi ka mahirapan, ok? Payo lang naman para sa iyo". Anak ng tokwang hinulugan ng taktak! Nang maliit yung singkit! Ang nasabi ko na naman eh, "Manong, sa Pinas ang tanging madumi lang ay ang politika, mga utak ng Pinoy ay malinis at matatalino". Edi tumango lang si Shaolin Temple.

May lakas ako ng loob na sabihin iyon dahil mas magaling naman ako talaga kaysa sa mga 24 year old na 4th year college dito sa IT! Yun ang sa tingin ko base sa pinag-aaralan nila. Pero titignan ko palang sa Setyembre (simula ng klase) kung totoo nga. Sa ngayon, maniniwala ako na mas magaling tayo sa kanila.

Bottom line, napatunayan ko na ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi masusukat sa indibidwal na pagtatagumpay ng mga mamamayan nito kundi ang sama-samang pagkilos tungo sa pagbabago. Lamang nga sila sa paligo pero sa tingin ko ay mas lamang tayo sa talino. Iyon nga lang ay nasobrahan na naging expert na sa panlalalang ng kapwa. Hindi ko masisisi ang mga Pinoy professionals dito na nakakausap ko sa pagtuya sa sarili nating bansa samantalang sinasamba ang Korea maski factory workers lang sila. Malaki kung sa malaki ang kita. Basta magsipag ka, tiyak uunlad ka. Hindi daw katulad sa Pinas na nagkanda-kuba ka na sa pagtratrabaho asin at toyo parin ang ulam mo.

Nakakatawa dahil ang Pilipinas ay lumalaking paurong samantalang ang mga bansang dating tumingala sa "perlas ng silangan" ang siya naman ngayong ating tinitingala.

Love,
Wilmarc Lopez