Friday, September 28, 2007

Superiority?

(pinost ko po sa Bobong Pinoy - 6/22/2007)

Mga Kabobo,

Ito po ang unang beses kong magpopost dito, sana po ay ayos lang. Ako si Wilmarc Lopez ng UP Baguio at kasalukuyang exhange student sa South Korea ng Computer Science. Ako po ay 20 yrs old sa Setyembre. Gusto ko lang po kasi ilabas yung mga nasa utak ko, baka po kasi sumabog.

Nung una sa tingin ko ang mga Koreano ay masusungit, itsura lang pala nila. Nabilib ako sa ganda at ayos ng lugar, walang scuater kahit na 15 million mahigit ang tao sa Seoul, Seoul lang po yun. Puno ng nagtataasang apartments ang mga resedential areas kung saan karamihan ng mga tao ay doon nakatira. Bihira ang magkaruon ng lupa na may iisang bahay na nakatirik (sa siyudad). Kahit na sampung taon ka nang nakatayo sa gilid ng kalye, naghihintay para tumawid, ay hindi parin puede hanggang hindi pa green ang ilaw ng tao sa poste. Bihira ang nakawan. As in bihira to the highest level ika nga.

Propesor kong koreano ang sumundo sakin sa Incheon airport kaya nagkaruon kami ng pagkakataon para makapagpalitan ng palagay. Napagusapan namin ang tumataas na bilang ng Koreano na pumupunta sa ibang bansa, lalo na sa Pinas, para lang matutong mag-english. Para sa kaniya, "shit" daw iyon. Bakit? Dahil kahit saan naman daw mag-aral ng english kung hindi rin naman gagamitin palagi ay ganun at ganun din. Totoo naman sa tingin ko. Pinatotohanan ko pa ito sa pagsabi na sa Baguio ay nagkukumpol-kumpol lang ang mga Koreano, naglalaro ng golf araw-araw at may sariling mundo. Paano nga naman sila matututo.

Nasabi din niya na nung 70's ang dating presidente nila ay nagwika na, (trandslated na lang po) "Tignan ninyo ang Pilipinas! Sana ay maging katulad tayo ng Pilipinas". Sa tono pa ng pagsasalita ng propesor, inggit na inggit talaga ang dating presidente. Nagulat ako dahil hindi ko alam na ganun pala dati, akalain niyo!

Nung nilibre ako ng dalawa ko pang ibang propesor ng noodles na may yelo at halo-halong gulay na hindi ko maintindihan ang lasa, napasok din ang usapan tungkol diyan. Papaano naman kasi eh medyo natatamaan ang pagiging "nationalistic" ko sa mga sinabi nila (nakalimutan ko na kung ano) kaya nasabi ko na lang na magagaling ang mga Pinoy, matatalino at may disiplina, ang problema ay sa Politika. Pero Pinoy din ang nasa Politika kaya una palang ay nakakitaan ko na ng butas yung sinabi ko, kaya sabi ko na lang nasa dugo nila (pero hindi ko nilahat). Alam kong may maganda at pangit na resulta yung sinabi ko kaya, "churi po". Siguro mahuhulaan niyo na kung anong sinagot nila, opo, sabi nila, (translated po ulit) "Ganyan din ang bansa namin dati. Madumi ang politika, garapalan, pero nagbago lahat alang-alang sa pagkakaisa".

Nung isang beses na sumamba ako dito, sapagkat ako po ay isang Iglesia ni Cristo, ay may nakita akong Koreano na agad namang kumausap sa akin. Mukha daw akong istudyante sabi niya (na sadyang kataka-taka dito dahil karamihan ay mga factory workers). "Ye", sabi ko bilang pagsang-ayon at sabay sabing IT ang pinag-aaralan ko. Aba eh binanatan ako ng, (translated na po, hirap kasi english eh) "Alam mo, ang teknolohiya dito ay malayo sa kung ano ang meron sa Pinas kaya dapat kang magsikap para hindi ka mahirapan, ok? Payo lang naman para sa iyo". Anak ng tokwang hinulugan ng taktak! Nang maliit yung singkit! Ang nasabi ko na naman eh, "Manong, sa Pinas ang tanging madumi lang ay ang politika, mga utak ng Pinoy ay malinis at matatalino". Edi tumango lang si Shaolin Temple.

May lakas ako ng loob na sabihin iyon dahil mas magaling naman ako talaga kaysa sa mga 24 year old na 4th year college dito sa IT! Yun ang sa tingin ko base sa pinag-aaralan nila. Pero titignan ko palang sa Setyembre (simula ng klase) kung totoo nga. Sa ngayon, maniniwala ako na mas magaling tayo sa kanila.

Bottom line, napatunayan ko na ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi masusukat sa indibidwal na pagtatagumpay ng mga mamamayan nito kundi ang sama-samang pagkilos tungo sa pagbabago. Lamang nga sila sa paligo pero sa tingin ko ay mas lamang tayo sa talino. Iyon nga lang ay nasobrahan na naging expert na sa panlalalang ng kapwa. Hindi ko masisisi ang mga Pinoy professionals dito na nakakausap ko sa pagtuya sa sarili nating bansa samantalang sinasamba ang Korea maski factory workers lang sila. Malaki kung sa malaki ang kita. Basta magsipag ka, tiyak uunlad ka. Hindi daw katulad sa Pinas na nagkanda-kuba ka na sa pagtratrabaho asin at toyo parin ang ulam mo.

Nakakatawa dahil ang Pilipinas ay lumalaking paurong samantalang ang mga bansang dating tumingala sa "perlas ng silangan" ang siya naman ngayong ating tinitingala.

Love,
Wilmarc Lopez

No comments: