Hindi ba masarap pakinggan kapag nasasabi natin na mas magaling tayong mga Pinoy na mag ingles kesa sa mga kapatid nating bansa sa asya? pero bakit nga kaya tayo magaling?
Sa totoo lang, hindi ko nga iyon kayang ipagmalaki e. Kylangan kasi nating maging magaling doon para magkaroon ng pangalan o pati mukha sa mundo. Kasi alam nating kapag hindi natin pinilit magenglish, hindi na tayo matatanggap na magtrabaho sa ibang bansa. Hindi na tayo magiging flexible.
Mahilig kasi tayong kumapit sa matatag db? Sa high school, sasama ka dun sa barkadang sikat, kakapit ka taong magaling magdrowning o magaling sa math. Kylngan natin ng english para makakapit tayo sa america at kahit papano puede nating sabihing may karapatan tayo sa kultura at bansa nila.
Kapag hindi tayo marunong magenglish, sinong magtuturo sa mga Koreans na mayayaman at napaunlad ang bansa na gamit ang sariling wika at tumatanggap ng minimal na tulong mula sa labas? Di ba nakakatawa na sabihin natin na mas magaling tau sa mga Japanese o Koreans dahil bobo sila sa English? Duh! Tumayo sila sa sariling nilang mga paa, pinaunlad kung ano ang meron sila, di gaya natin. Inuna muna nila ung sa loob nila bago lumabas, gets?
Sukatan ng katalinuhan nating mga Pinoy ang kagalingan sa English ngaun, kasi uso. LOL. Ang gagaling na ng mga bata ngaun kasi habang maaga un na ung tinuturo sa kanila. Pero bakit kaya pinpabayaan ng DepEd na magdominate ang english kesa filipino? assuming na may pakialam sila sa future natin, halos lahat ng bagong karunungan o pati narin mga dati, ginagawa ng mga English-speaking people. Ung mga pinagaaralan sa isang basic science subject, wala naman ata dun ang natuklasan natin. Kylangan natin ng english to acquire knowledge from others because we fail to create knowledge on our own. Saka isa pa, hanggang gaya nalang naman tayo e.
Nakakalungkot isipin na majority ng tao iba ang tingin sa university o college. Nagaaral tayo para makapagtrabaho at kahit papano makapagabroad. Pero sana kaya tayo pumupunta sa mga college para ipush ung industry na pinili nating pasukin. Para tayo ang gumawa ng standards. Kaya nga research o kaya thesis ang major project ng isang graduating di ba?
Walang masama sa pagiging marunong mag english, ang masama yung nabubuong ideology sa likod nito. Yung unconscious effect sa utak natin, na second rate lang tayo, gaya-gaya, kapti sa matatag, and the worst:wlang sariling kultura.
Kung sa utak, bilib ako satin, siempre pinoy ako e kanino pa ako bibilib. Pero siguro kapag dumating ang panahon na nanghawak tayo sa sarili nating kaya at natutong manguna at wag pagtawanan ang mga taong nagpipilit magkaruon ng pangalan sa mundo(kapag gawa ng pinoy wala tayong bilib eh), saka natin mapagyayabang na mas magagaling nga tayo.
Saturday, April 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment