putok putok! sigawan at talunan. halakhakan at batian. kasiyahan at kabaliwan. samantalang ang ilan sa atin na katulad ko ay piniling matulog nang maaga.
hindi ko kasi nararamdaman ang pagiging bago ng taon o ang pagiging manigo nito. siguro sa isa o tatlo o limang aspeto na buhay pa ako, may lakas at ganoon din ang aking pamilya at salamt sa Dios sa lahat.
para sa akin, may nagrunong-runungang tao lang dati na nagsabi na bagong taon ang panahon na ganito pagkatapos ng 300+ days. at ayaw ko ng inuutusan ako.
hindi iba ang december 31 2008 sa january 1 2009. parang katulad ng september 26 at september 27 na bisperas ng birthday ko at bday ko respectively.
hindi ako mas maayos na tao ngaun kesa kahapon. siguro konti pero hindi uber. kagaya ng hindi naman ginaganap ang reunion pagkatapos mismo ng graduation.
hindi naman ako kj at umaayon din ako sa normal dahil hindi ako autistic. kailangan lang talaga ng tao ng isang pagkakataon sa bawat taon na ipaalala sa kanya kung gaano kahalaga ang isang abstract na konsepto. kung gaano kahalaga ang pamilya, buhay, pag-ibig, pera o kahit ang katiting na panahong nginiti sa 365 na unos. at wan port.
masaya ang ginugunita ang ginawa mo noong mismong isang taon ang lumipas. pero ginagawa ko iyon palagi dahil palagi akong nagpapasalmat sa kung ano ako. at malalman ko lang kung ano ako ngayon sa pagkukumpara sa kung ano ako noong isang taon.
mas mahalaga na rin siguro sa akin ang tulog kaysa sa pagtalon mindlessly. malamang gumagawa lang din ako ng dahilan na maging emo.
may sayawan pa sa plazang malapit sa amin noong january 1 ng gabi at buti ay maayos ang tulod ko bago iyon. wala na namang maproject ang mga local govt officials at nagpapasayaw nalang sila. instant pogi points iyon parang pagpapatayo ng basketbol court para sa mga cool na tao.
bakit kaya bulag sila sa mga sirang aspalto at misplaced na mga bgay sa kalsada. ang bagal ng development pero ok lang iyon dahil magaling magpaparty si kapitan at si mayor. wtf.
ganito parin taung mga pinoy, umaasa sa ibang tao. gustong may bumebeybi. hindi naman natin tayo masisisi dahil pagkatpos ng 300000 yrs ng espanyol (popularly known as kastila) eh sabay naman ang amerikano hanggang ngayon. kapit pa rin sa matatag. walang sariling paninindigan at ang nakakalungkot ok lang iyon. dahil ang may ibang paniniwala at iba ay loser at bading at hindi nakakakuha ng hot na babae.
kahit anong galing mag-segregeyt ng basura ni mama, ganoon naman ako ka hindi kaya babaguhin ko. kailan kaya natin makikita ang kahalgahan ng mga bgay na labas sa bilog na pamilya natin?
mayayabang ang lahat ng tao at mahilig manghusga sa inisyal na nakikita at aminado akong hindi ako banal o perpekto man. pero mas maganda siguro kung titigilan nating ikumpara ang sarili nating standard sa pagsukat ng tao. sino ba tayo para gumawa ng universal na rule sa pagiging tao? IEEE?
bihira rin ang pinoy na mahilig magbasa, statistically. wala akong sources at wag nio akong apuyin nang uncited information and generalization blaberi shit dahil gusto kong sabihing ganoon. mahilig lang taong gumawa at magbasa ng survey para bawasan ung buhay nating walang silbi
marami rin ang iniisip na importante sila at ganoon nalang sila magpaimportante lol. aminin natin na saka lang importante kung:
1. mayaman ka
2. may artistahin kang gf
3. hindi ka emo, kasi that's absolutely defeating the purpose
4. politiko ka down to being a kagawad
5. capable kang gumawa ng project without any sort of help from groupmates. benta ka grabe!
6. subrang gwapo o ganda mo na puede na kitang patayin sa insecurity at kawalan ng pag-asa sa buhay
7. mahilig kang magpautang AT mangutang
8. mahilig kang mag-blog sa bulletin board dahil mas mataas ang chance na basahin ng iba ang kayabangan mo by a slight fraction compared sa fs blog na hitiki sa features at napakabilis
Monday, January 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment