Monday, April 6, 2009

Backward Ingenuity

Gusto ko sanang mag-ingles dahil matagal na akong hindi nagsusulat ng malupit na essay na gamit ito. Pero mas maganda sigurong mag-Filipino muna. Matagal ko ng iniisip ito. Simula pa ng marinig ko ang terminong "Japanese Ingenuity" ng minsang nanunuod ng video sa Youtube tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Hapon ukol sa global financial recession. Iniisip ko kung bakit maski kine-claim natin, at sa tingin ko ay totoo naman, na ingenous tayo ay hindi naman tayo umaangat.

Ngayon sa tingin ko alam ko na ang sagot. Backward ingenous tayo (yes, sarili kong term!). Nagsisimula yan sa pagkabata. Gusto ko rin palang sabihin na ang reference object ko ay ako para malinaw. Tinuturuan tayong gamitin ulit ang mga pahina ng mga notebook na hindi natin nasulatan at ipunin para gumawa ng bagong notebook. O kaya naman huwag magtapon ng project ng mas matanda kasi pwedeng mai-pasa ng mga mas batang kapatid pagdating ng panahon. Bottom line, hinagupit tayo ng pagtitipid. At sa kultura natin, ang pagtitipid ay katalinuhan. Ingenuity.

Paglumaki ka, matutuo kang sumakay ng jeep, tricycle o padyak papasok sa paaralan. Hindi ba nakakatuwa na ang means of transpo natin ay hindi pa rin nagbabago mula ng panahon ng mga lolo at lola natin? Isang patunay ay may nasasabi silang, "Noong panahon namin ang pamasahe sa jeep ay piso". Kung manunuod ka ng mga old school na pelikula ni Rene Requestas na blurry pa ang dating, pansinin mong jeep pa rin ang gamit. At ang masaya pa diyan, kilala tayo sa Jeepney. Bakit? Kasi tayo [na] lang gumagamit ng ganitong sistema at nabibilib naman ang mga puti o kaya naman ay natutuwa sila dahil napananatili natin ang pagiging mga unggoy natin. Kahit na, tatak pa rin ito ng kagalingan nating mapanatili ang tradisyon natin at kagalingan sa pagmanipula ng orihinal na jeep mula sa kung sino man, Kano ata, para maging PUJ. Ingenuity. Slavery reassured.

Kapag nagtratrabaho ka na, kakainin ka ngayon ng mga conventions na hindi mabaluktot. Hindi mo ito mapapansin kasi nasa sistema na natin ang sumunod sa agos, ang hindi paghadlang sa norm. Tradisyon, kultura, relihiyon, elementarya, media, high school ay ilan lang sa mga matitibay na tagapagtaguyod ng close-mindedness. Kritikal ako hindi ako inutil at lalong hindi ako anti-religion. Kung anong uso doon tayo. Sanay tayo ma-spoon-feed sa paaralan. Ang mga nagnanais umalis sa sistema, kung hindi inaalis ng sapilitan, ay unti-unting kakainin ng lipunan. Nawawala ang creativity at nationalism dahil sa pagcoconcentrate sa English, Math at Science sa mga mababa at mataaas na paaralan. Ang mga palabas sa primetime ay mga istoryang kayang hulaan ng 3-year old bata ang susunod na mangyayari. Nagiging paboritong gawing tema ang sex at violence. Nawawala sa sinaryo ang mga makabuluhang dokumentaryo. Bakit natin pinipilit gayahin ang iba samantalang sila iyon? Wala na ba kayang ibang daan patungo sa hinaharap kundi ang siguradong lagusan papuntang bangin? Katalinuhan papunta sa wala. San ka nagkamali Pilipinas?

Baksakan ang mga lumang electronic devices, mga kotse atbp, galing Japan at South Korea. Ipinagmamaki nating magagaling ang mga mekaniko o elektroniko natin dahil kaya nilang ayusin ang mga hindi kayang ayusin ng mga kapit-bahay natin. Ilang bagay ang makukuha natin dito. Una, ang kagalingang ito ay gawa ng kahirapan at kawalan ng ibang option na mas makakatipid. Pangalawa, hindi kaya hind na nila talaga gingawa kasi mga ay may nagawa na silang mas bago? Ito naman kasi iyon eh. Kung bakit naman ang gagaling nating mag-hukay sa basurahan at gawing kapaki-pakinabang ang basura sa iba samantalang puwede naman nating gamitin ang katalinuhan at lakas na iyon para makipagcompete. Para makipag-unahan, halimbawa sa teknolohiya? Pabaliktad. Pinapakain lang tayo ng mga tae ng ibang lahi. Scientific stuff, soksay stuff, techie stuff lahat tayo ang taga-kain ng mga napanis at napagsawaan nang tuklas. Ingenuity. Scavenging.


Kapag tanda mo, ipapasa mo nga yon sa mga anak at apo mo ang mediocrity. Ang tradisyon ng "kababaang luob" at pagpapasaok na "utang" natin sa mga Espanyol, Amerikano, Hapon pati Koreano. Ang hospitability natin, para sa akin, ay gawa ng kawalan ng respecto sa sarili. Nasanay tayong kumapit at magmakaawa sa mga master natin, dahil mga alipin lang tayo. Mga Indiyo. Kung papakitaan natin sila ng maganda, baka sakaling bigyan nila tayo ng kaunting pagpapala. Kaya magaling tayong dumiyos dahil gusto natin ng superhero. Kasi mga bata tayong hindi alam ang gagawin at walang kaya kung walang nag-aalaga. Pabaliktad ang approach natin sa future. Limot na natin ang nakaraan. Akala natin na ang mga pagtatagumpay ng Pinas ay dahil sa mga mananakop kaya sinusubukan parin nating magpa-alipin. Wrong!

Lahat ng mga bagay na ito ay magkakarugtong at hindi nagiging totoo kung wala ang isa. Pinoy matalino ka. Subukan lang nating magbukas pa ng isip. Kasama ng mga pagbabagong maari nating makamit dagdag ang ugali nating matiisin, masiyahin at maka-Dios, sa tingin niyo ay may pipigil pa sa lakas ng dating ni Juan dela Cruz? Sa tingin ko wala na. Sana kayo din. Kung pabaliktad man ang takbo natin ngayon, pasasaan din ba at tatarik din ang daan. Habang nahihirapan ang iba, doon naman tayo aariba dahil mas madaling umakyat ng bundok ng nakatalikod.

Pagbubuhos

Limang taon na ang nakalipas ng huli akong nagsuot ng puting polo na may bag. Limang taon na rin ang nakalilipas ng bumiyahe ako ng kasama si Jamie (Robert) sa tricycle sa gilid ng McDo papuntang Roosevelt. Pero ilang oras lang ang nakalipas ng huli kong pinilit ang sarili kong gawin ang mga bagay na ayaw ko naman. Ganoon ata talaga ang buhay, pilitan. Mas maganda sigurong gawin nating noun ung "pilitan" para classic iyong dating at may pagka-epic.

Sa totoo lang hindi naman ako seryoso sa mga pag-aaral ko. Kung anong mangyari ay mangyari na lang. Mataas lang ata ang standards ko kaya ang ok na sa akin ay above average na pala kahit papaano. Kaya nga nabubuhay ako sa pag-seset ng goal na lubos at higit sa mga dapat ko lang abutin. Malamang nga ay labas na ako sa mediocrity kung purong acads o buhay lang ang pagbabatayan. Pero nga, wala namang perpekto.

Nitong mga nakaraang araw, panay ang galit at init ng ulo ni mama. Sa totoo lang, namimiss ko na ang pagiging malambing niya noong mga nakaraang taon lalo na pagdating ko ng Korea. Pero siguro nga ay bumabalik lang tayo sa kung ano tayo pagdating ng certain na panahon. Hindi ko naman siya masisisi. Napakasipag niya at halos hindi na nagpapahinga. Sobrang kuripot kasi at ultimo dalawang piso ay panghihinayangan niyang gastusin kapalit ng pagod na hindi naman justified.

Simula pa ng bata ako ay hindi talaga ako masipag sa bahay. Pero gingawa ko lahat ng trabahong ibinigay sa akin mapa-ano pa man iyon. Panganay kasi ako at natuto akong mang-unawa ng nararamdaman ng iba sa batang edad. May mga bagay nga na ngayon ko lang nasasabi sa kanila tulad ng mga pang-bubully sa akin at mga sakit sa balat noong elementary ako. Ayoko kasing dagdagan ng problema ang nanay ko dahil alam kong hirap siya dati pa. Lalo na ngayon at apat kaming pasan niya.

Tama ang mama. Wala nga akong silbi sa paglalaba at pagluluto. Dalawang bagay na hindi ko talaga ginustong matutunan. Iniisip ko na gagalingan ko sa pag-aaral ko, kahit papaano, para hindi ko na kailangang gawin iyon paglaki ko. Sa kaso ko ngaun, ang panahon ng "paglaki" ay pinapasok ko na, nahuhuli na ako. Marami akong nakikita sa mga napapanuod ko na mga Hollywood films at series na mga taong mahuhusay, di umano, na ok naman sa paglalaba at pagluluto. Kailangan ko ng lulunin ang pride ko at buksan ang tenga sa palaging sinasabi ni Papa na disiplina at ang walang kamatayang time management.

Malaking problema nga lang ay mahilig akong mamroblema ng hindi ko naman dapat problemahin. At isa pang napansin kong pagbabago sa sarili ko ay pagiging walang emosyon ko. Ang pagiging matigas at rasyonal sa lahat ng bagay. Hindi ako nawawalang ng lambing sa mga kapatid ko pero wala akong maramdmang reaksyon kapag nagagalit ang mga tao sa paligid ko, nagwawala man o nagsisigaw sa sakit. Manhid na ako sa pangyayaring masyadong cliche. Alam ko na ang mangyayari kaya hindi na ako nagugulat.

Bilang taong positive, positiver, nakikita kong ang conflict sa mga ugali namin ngayon sa bahay ay paraan lang ng Dios para maka-iwas kami sa mas malalang damage pagdating ng panahon kung sakaling nagpatuloy kami sa ganito. Sa lagay ni mama, hindi na lang ako magsasalita sa kanya. Bali-baliktarin ko man ang mundo. Sa kanya pa rin ako nanggaling.