Monday, April 6, 2009

Pagbubuhos

Limang taon na ang nakalipas ng huli akong nagsuot ng puting polo na may bag. Limang taon na rin ang nakalilipas ng bumiyahe ako ng kasama si Jamie (Robert) sa tricycle sa gilid ng McDo papuntang Roosevelt. Pero ilang oras lang ang nakalipas ng huli kong pinilit ang sarili kong gawin ang mga bagay na ayaw ko naman. Ganoon ata talaga ang buhay, pilitan. Mas maganda sigurong gawin nating noun ung "pilitan" para classic iyong dating at may pagka-epic.

Sa totoo lang hindi naman ako seryoso sa mga pag-aaral ko. Kung anong mangyari ay mangyari na lang. Mataas lang ata ang standards ko kaya ang ok na sa akin ay above average na pala kahit papaano. Kaya nga nabubuhay ako sa pag-seset ng goal na lubos at higit sa mga dapat ko lang abutin. Malamang nga ay labas na ako sa mediocrity kung purong acads o buhay lang ang pagbabatayan. Pero nga, wala namang perpekto.

Nitong mga nakaraang araw, panay ang galit at init ng ulo ni mama. Sa totoo lang, namimiss ko na ang pagiging malambing niya noong mga nakaraang taon lalo na pagdating ko ng Korea. Pero siguro nga ay bumabalik lang tayo sa kung ano tayo pagdating ng certain na panahon. Hindi ko naman siya masisisi. Napakasipag niya at halos hindi na nagpapahinga. Sobrang kuripot kasi at ultimo dalawang piso ay panghihinayangan niyang gastusin kapalit ng pagod na hindi naman justified.

Simula pa ng bata ako ay hindi talaga ako masipag sa bahay. Pero gingawa ko lahat ng trabahong ibinigay sa akin mapa-ano pa man iyon. Panganay kasi ako at natuto akong mang-unawa ng nararamdaman ng iba sa batang edad. May mga bagay nga na ngayon ko lang nasasabi sa kanila tulad ng mga pang-bubully sa akin at mga sakit sa balat noong elementary ako. Ayoko kasing dagdagan ng problema ang nanay ko dahil alam kong hirap siya dati pa. Lalo na ngayon at apat kaming pasan niya.

Tama ang mama. Wala nga akong silbi sa paglalaba at pagluluto. Dalawang bagay na hindi ko talaga ginustong matutunan. Iniisip ko na gagalingan ko sa pag-aaral ko, kahit papaano, para hindi ko na kailangang gawin iyon paglaki ko. Sa kaso ko ngaun, ang panahon ng "paglaki" ay pinapasok ko na, nahuhuli na ako. Marami akong nakikita sa mga napapanuod ko na mga Hollywood films at series na mga taong mahuhusay, di umano, na ok naman sa paglalaba at pagluluto. Kailangan ko ng lulunin ang pride ko at buksan ang tenga sa palaging sinasabi ni Papa na disiplina at ang walang kamatayang time management.

Malaking problema nga lang ay mahilig akong mamroblema ng hindi ko naman dapat problemahin. At isa pang napansin kong pagbabago sa sarili ko ay pagiging walang emosyon ko. Ang pagiging matigas at rasyonal sa lahat ng bagay. Hindi ako nawawalang ng lambing sa mga kapatid ko pero wala akong maramdmang reaksyon kapag nagagalit ang mga tao sa paligid ko, nagwawala man o nagsisigaw sa sakit. Manhid na ako sa pangyayaring masyadong cliche. Alam ko na ang mangyayari kaya hindi na ako nagugulat.

Bilang taong positive, positiver, nakikita kong ang conflict sa mga ugali namin ngayon sa bahay ay paraan lang ng Dios para maka-iwas kami sa mas malalang damage pagdating ng panahon kung sakaling nagpatuloy kami sa ganito. Sa lagay ni mama, hindi na lang ako magsasalita sa kanya. Bali-baliktarin ko man ang mundo. Sa kanya pa rin ako nanggaling.

No comments: