Friday, September 28, 2007

A Filipino Story: Rage Against Our Own Demons

(written September 14,2007)

My stay here in South Korea for three months now has given me a lot of opportunity to talk to different people, and listen to their stories. One of those stories have brought light upon me on how we Filipinos drive our own faith.

Meron isang matandang koreanang propesora dito kung saan ako nagaaral. Meron siyang Ph.D. (Doctor of Philosophy) na title sa Sociology. Kuwento niya, way back 70's Korea was very very very poor and their government was realizing ideas on how to improve their economy. One solution is, magpadala sa Pilipinas ng mga mag-aaral na Koreans.

Bakit? Sabi niya, dati ng mga panahong un isang "living legend" ang Pilipinas. Isang progresibong bansa na isa sa mga nangunguna sa buong mundo. Ang nakakataba ng puso sabi niya, pumunta sila sa UP Diliman para pag-aralan to know "how the Filipinos do it?", and then apply nila sa Korea. Sabi niya nung panahon na iyon, inggit na inggit daw siya sa mga kaklase niya sa UPD dahil mayayaman sila at nakakakain ng masasarap na pagkain. "The Philippines was willing to help our poor country", she added.

Tears started to fall, sa akin at sa kanya. Imagine how the Philippines was. All the glory, all the triumph that were. By that time, it made me even prouder that I am a Filipino, sa puso at diwa. And then, she finally asked, "What happened?", and everything shattered away like a breaking mirror. Seeing how weirdly my face reacted, she changed the topic, "So how's your korean life?", she muttered.

In the Philippines, I thought that the world is suffering the same problems and crises our dear country is having. And wasted 19 years of my life watching people kill each other, destroy nature and disobey the law in every imaginable way. Then there was this chance to see another country, another culture. Sabi ko, "Demmet! and I thought that all of humankind is suffering".
Sabi nila Pinoy daw flexible kaya kayang-kaya nating mag survive sa kahit anong bansa. Tama! Ang galing, kasi wala namang Pinoy na balasubas sa ibang bansa eh, majority. Kung hindi puedeng tumawid hindi naman tatawid! Kung hindi puede magtapon hindi naman magtatapon! Kung dapat pumila, pumipila! Ang galing natin noh? Ang problema, bakit sa atin hindi natin magawa? Nasan ang disiplina?

Sa MRT, kwento sakin ng isang kaibigan ko, sabi daw ng isang mama, "Gulangan lang yan eh, kung hindi ka magulang hindi ka makakasakay", pagkatapos niyang isiksik ung halimaw niyang katawan sa tren. Isipin nio.. kapag halimbawa pumunta siya sa America at sumakay ng tren, sasabihin ba niya yun? HINDI! Bakit? kasi nahihiya siya, kasi alam niyang mali isiksik ang sarili at hindi isipin ung ibang tao. So, ang punto ay, walang hiya ang Pilipino sa kapwa niya Pilipino. Magaling lang tayo sa pag-please ng Iba, mga ibang tao na wala namang nagawa sa ating bansa.
And you know what's funny? We're a Christian country. And not just any Christian country, but the first in Asia, sabi nga nila.

Ayaw niyo ba na kapag umuuwi kayo hindi kayo natatakot mag txt? Kapag naka-mini skirt hindi takot kung mararape? Kapag iniwan ang bahay walang magnanakaw? kapag may laptop na dala hindi tatambangan? For me its a matter of discipline. Wag tayo magtapon kung saan-saan. Huwag mag-angkas o magbaba kung saan gusto.

And you will say, pano un? Kung hindi namin gagawin un talo kami! Kasalanan ng gobyerno! Tama na mali eh. The government's really not doing its job to provide its citizens the protection and love we deserve. Simpleng SSS at GSIS na nga lang eh. Simpleng pakain o simpleng pabahay kinukurakot pa. Lalapit ka sa pulis 10,000 yrs bago maresolbahan. Justice is money, if you dont have much, you wouldn't even have the least.

So, its a loop, naghihintayan tau, sa comsci we call that DEADLOCK. One way to resolve a deadlock is to make one process "stay back" for the other to continue. Else, restart.
So either the government or the citizens will initiate the change OR we all go back to the stone age.

- WDL

P.S.
I just realized that I might be saying this dahil nakapag-aral ako, nakakakain ako ng masarap at hindi nagugutom at the very least. Meron akong tirahan, may kumot at may electric fan. Hindi kaya ng masa ang magbago sa sarili niya dahil ang masa ay mahirap at puno ng problema, bakit pa nila idadagdag kung paano baguhin ang bansa. This is a job for us. Sa mga nakakabasa nito, meron taung pang-internet, meron taung pang-DotA, meron tayong pang-pamasahe. Higit sa lahat, marunong tayong magbasa.

We can help our country just by doing or not doing simple things. Ayokong magising isang araw at wala tayong choice kundi sumunod sa mga ibang lahi kasi nabili nila ung Pilipinas. O kaya naman mangibang-bansa para lang hindi maging Filipino. We should be thankful that we have a country kung saan kinuhanan natin ng hangin nung unang beses tayong huminga. Ayoko sa ibang bansa, kasi meron akong bansa. Ayoko sa kultura nila kasi meron naman tayo. I'm writing this for the hopes that my children will live their lives super proud of being a Filipino, not just because of their hospitality, but specially by their intellect, skills and culture that the world is ignoring now.

4 comments:

Unknown said...

I was browsing for articles online for my Bene2 class (Benedectine Spirituality -I am a senior in San Beda) It took me a while to select an article that I will make a reflection and write up about and hopefully report in class. I must admit that your story is heartfelt, and I am inspired. We always say bad things about our country and our fellow Filipinos, once.. twice.. more? I am guilty of that. Your article reminded me again that I have a purpose. "Even a small man can change the world."
Salamat po. Mabuhay ka at iyong pamilya. Salamat at napadaan ako dito.. I'll share this.

Unknown said...

I'M PROUD TO BE FILIPINO :)

simple ann said...

lam mo madalas talaga pag nasa ibang bansa ka masasabi mong ang babait ng mga pinoy kasi sumusunod sa batas... pero bakit nga ba pag sa bansa natin eh iba na ang sinaryo?
dahil sa ibang bansa ba eh nahihiya sila sa ibang tao? o dahil alam nila na pag lumabag sila sa batas sino man sila eh mapapatawan sila ng tamang kaparusahan?
bakit sa bansa natinhindi ganun? dahil ba sa walang kwenta ang nagpapatupad ng batas? o dahil wala taung takot sa mga nagpapatupad ng batas? o dahil lam natin na mlulusutan natin ang dapat na kaparusahan?
hay ewan ko wilmarc... dito sa tate... mrami mga pinoy na nagsasabing mas gusto pa nilang sa ibang lahi umasa kesa sa kalahi natin. Crab mentality? yes it is. mas gugustuhin pa nilang makipagkwentuhan sa iba kasi may sence daw kesa sa kalahi natin kasi palakihan ng ulo na ang mangyayari...
ano ba talaga ang prob? ang nagpapatupad o ang tumupad ng batas?
kahit ano pa ang sagit dun, ewan ko pa rin ang sa akin... ang masasabi ko lang eh sa ilang % ng pinoy ang nakakasalamuha mo na masasabi mong proud ka? hindi un ang mahalaga, ang mahalaga eh ikaw mismo. sa sarili mo dapat masabi mong proud ka sa sarili mo kasi may nagagawa ka para sa bayan mo at hindi lang ng para sa SARILI mo. sana ganun na lang ang bawat isa kasi dun siguro naman eh uunlad tau... diba?

empress27 said...

tsaka po pag nasa ibang bansa ang mga pinoy at nakalabag sa batas nila doon, napapatawan ng karampatang parusa...pero pag dito sa atin, ang foreigner ay nagkasala, it's either napipiyansahan or dinedeport lang...bakit po ganun? Parang hindi fair? Parang okay lang na ganunin [gawan ng hindi tama] ang mga Pinoy...so unfair po...